17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan, sumuko

Sumuko ang kasapi ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) sa mga awtoridad sa tauhan ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company nito lamang Biyernes, ika-3 ng Oktubre 2025 sa Brgy. Tiaong, Guiguinto, Bulacan.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Ed”, 47 anyos, binata, isang construction worker, at residente ng Purok 4, Barangay Santor, Malolos City, Bulacan.

Ang sumuko ay kasapi ng RHB na kilalang kumikilos sa mga baybaying bahagi ng Bulacan, Pampanga, Zambales, at Bataan.

Isinuko din nito ang isang HW3 Caliber .22 Magnum revolver at walong bala.

Ang patuloy na paghina ng teroristang grupo ay indikasyon na epektibo ang kampanya ng pamahalaan na tuldukan ang insurhensya sa bansa na balakid sa pagkamit ng kaayusan at kaunlaran.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles