21.1 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

DSWD FO 1, patuloy ang pagpreposition ng Family Food Packs kahit nasa labas na ng PAR ang Bagyong Paolo

Kahit nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Paolo, patuloy pa rin ang paghahanda ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD FO 1) sa Ilocos Region upang matiyak ang kahandaan sa anumang epekto ng masamang panahon.

Ngayong araw, kasalukuyang ina-unload ang 1,700 Family Food Packs (FFPs) mula sa National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) sa DSWD FO 1 Regional Warehouse sa Barangay Biday, City of San Fernando, La Union. Katuwang ng DSWD sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1 (RDRRMC 1) member agencies.

Habang isinasagawa ang pag-unload, ang mga Angels in Red Vests ng DSWD ay nagsasagawa rin ng masusing quality inspection upang matiyak na ang bawat food pack ay de-kalidad at handang ipamahagi sa mga pamilyang maaaring maapektuhan ng kalamidad.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng “Buong Bansa Handa” Program ng DSWD, na naglalayong maagang mailagay ang mga Food and Non-Food Items (FNFI) sa mga strategic locations sa bansa. Layunin nitong masiguro ang agarang pagresponde at mabilis na pamamahagi ng tulong sa oras ng sakuna o emergency situation.

Sa kabila ng paglabas ni Paolo sa PAR, nananatiling mataas ang antas ng kahandaan ng DSWD FO 1 at ng mga katuwang na ahensya upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino sa rehiyon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles