17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Mga planong proyekto sa paaralan, tinalakay sa Local School Board Meeting

Ipinresenta at tinalakay ang ilang mahahalagang usapin at plano para sa sektor ng edukasyon sa ginanap na Local School Board (LSB) meeting noong Oktubre 2, 2025, sa Agriculture Office Conference Room, Legislative Building sa Bayambang, Pangasinan.

Kabilang sa mga napag-usapan ang mga isasagawang paghahanda para sa World Teachers’ Day Celebration, Civil Service Awards, at ang supplemental budget para sa Don Teofilo Elementary School.

Sa pangunguna ni LSB Executive Director Rolando Gloria, at sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, natalakay rin ang ilang panukalang proyekto para sa mga paaralan sa bayan. Kabilang dito ang:
• Pagpapatayo ng covered court para sa Tanolong National High School,
• Paglalagay ng drainage system sa Malioer Elementary School,
• Konstruksyon ng bagong infrastructure building, at
• Paggawa ng SPED comfort room sa Bayambang Central School.

Layunin ng mga programang ito na mapabuti ang mga pasilidad at serbisyong pang-edukasyon sa mga paaralan, upang higit na matugunan ang pangangailangan ng mga guro at mag-aaral sa buong bayan.

Source: Balon Bayambang
Panulat ni: TS Carina

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles