21.1 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

QGIS Training: LGU Offices Level Up sa Digital Mapping sa Alaminos, Pangasinan

Sinimulan ang dalawang araw na pagsasanay na pinamagatang “Empowering City LGU Offices with GIS: A Beginner’s Workshop using Quantum Geographic Information System (QGIS)” na naglalayong sanayin ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Nagsimula ito noong Oktubre 2, 2025 at natapos ngayong araw, Oktubre 3.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga kawani sa paggamit ng Geographic Information System (GIS) upang mas mapabilis ang pagsusuri ng datos, magkaroon ng maayos na pagpaplano ng mga proyekto, at makagawa ng mga desisyong angkop sa tunay na pangangailangan ng komunidad.

Sa pamamagitan ng QGIS, isang open-source software, magkakaroon ng kakayahan ang mga tanggapan ng pamahalaang lungsod na mapahusay ang kanilang datos at mapa, na magsisilbing gabay sa pagbabalangkas ng mga polisiya at programang makatutulong sa mas epektibong paghahatid ng serbisyo publiko.

Source : LGU Alaminos
Panulat ni: Manlalakbay

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles