21.1 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Baril, bala at granada, nasamsam mula sa riding-in-tandem sa Bulacan

Nasamsam ang baril, bala at granada mula sa riding-in-tandem sa ikinasang Oplan Sita ng mga awtoridad dakong 2:00 ng madaling araw nito lamang Miyerkules, ika-1 ng Oktubre, 2025 sa Brgy. San Agustin, San Miguel Bulacan.

Kinilala ang dalawang lalaki na 24 anyos at 21 anyos, pawang residente ng Baliuag, Bulacan.

Ayon sa pulisya, sumailalim sa checkpoint operation ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo nang mapansin na walang suot na helmet.

Habang inaasikaso ang naturang paglabag, napansin ng mga pulis ang nakaumbok sa baywang ng angkas at nadiskubreng armado ito.

Ipinagpatuloy ang inspeksyon at napatunayang walang maipakitang kaukulang dokumento ang mga akusado, na nagtangka pang manlaban kaya agad na inaresto.

Nasamsam mula sa angkas na lalaking suspek ang isang kalibre 38 revolver na kargado ng limang bala at mula sa driver ng motorsiklo ay ang isang granada na nakatago sa dala nitong body bag.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, RA 9516 o “Illegal Possession of Explosive” at Direct Assault upon an Agent of a Person in Authority.

Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaayusan at kapayapaan sa ating bayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles