17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Labi ng 5-anyos na nalunod, natagpuan sa Chico River

Natagpuan ng mga miyembro ng Tabuk City WASAR team at iba pang mga responders ang katawan ng 5 taong gulang na nalunod sa Chico River sa Gatab, Barangay Bantay nito lamang 8:30 PM ng Setyembre 30, 2025.

Ang biktima ay naiulat na nalunod noong umaga ng parehong araw sa bahagi ng Chico River sa Pasil, Kalinga.

Ayon kay Mayor Darwin C. Estrañero, nagtulong-tulong ang mga miyembro CDRRMO-WASAR Team at Chico River Quest Inc., Brgy. Bantay DRRMO, at mga ahensya ng gobyerno para sa retrieval operasyon para sa biktima.

Taos-pusong pasasalamat naman si Mayor Estrañero, sa lahat sa walang pagod na pagsisikap, sa kaligtasan ng mga rescuer at tagumpay ng operasyon.

Nagpaalala din ang mga otoridad sa mga residente na pagbawalan muna ang mga bata sa punta sa ilog na walang kasamang guardian lalo na sa panahon ng tag-ulan at may sama ng panahon.

Photos: CDRRMO-WASAR Team

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles