Bilang isa sa mga kick-off activities ng Consumer Welfare Month ngayong taon, pinangunahan ng DTI Isabela ang isang makabuluhang Bamboo Planting Activity sa Barangay Sinippil, Cauayan City, Isabela, noong ika-1 ng Oktubre 2025.
Mahigit 100 bamboo seedlings ang naitanim sa nasabing aktibidad.
Itinatampok sa inisyatibong ito ang ugnayan sa pagitan ng responsableng pagkonsumo, pangangalaga sa kapaligiran, at mga consumer na may kapangyarihan.
Taos-pusong pasasalamat naman ang pinaabot sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, Pamahalaang Lungsod ng Cauayan, City Environment and Natural Resources Office, Cauayan City Stand-Alone Senior High School Consumer Club, JCI Cauayan Bamboo, at sa Providers Multipurpose Cooperative para sa kanilang walang patid na suporta at pakikipagtulungan.
Samantala, ang aktibidad na ito ay isang hakbang tungo sa pagtataguyod ng sustainability at sama-sama ang pagtatanim ng pag-asa, upang mapanatili, at mapalakas ang pagpoprotekta sa kapaligiran para sa magandang bukas at sa mga susunod pang henerasyon.
Source: DTI Isabela




