Dahil sa kanyang mga inisyatiba sa pagtitipid at pangangalaga ng enerhiya, inimbitahan si Mayor NiƱa Jose-Quiambao bilang isa sa mga presenter sa NCR at Northern Luzon leg ng 2nd Government Energy Management Program (GEMP) Summit na ginanap sa Lafayette Luxury Suites, Baguio City noong Setyembre 30, 2025.
Kinatawan siya ni Engr. Rudyfer P. Macaranas mula sa Engineering Office, na kasalukuyang nagsisilbing Energy Efficiency and Conservation Officer ng LGU-Bayambang.
Ang naturang summit na inorganisa ng Department of Energy (DOE) ay may temang āPowering Local Action: Strengthening LEECP for a Sustainable Future of Local Government Units.ā
Sa kanyang presentasyon, inilahad ni Engr. Macaranas ang ibaāt ibang ābest practicesā ng bayan ng Bayambang sa larangan ng energy efficiency at conservation. Kabilang dito ang paggamit ng solar lights at solar cells, pag-convert ng mga kagamitan tungo sa inverter type, at masusing pagtitipid sa paggamit ng ilaw at aircon sa mga tanggapan. Ibinahagi rin ang planong pagtatayo ng isang malaking solar farm para sa mas malawak na suplay ng renewable energy sa bayan.
Ayon kay Engr. Macaranas, pinuri ng DOE at ibaāt ibang LGU ang mga ipinatutupad na hakbang ng Bayambang bilang epektibong modelo sa pagtitipid at pangangalaga ng enerhiya.

Sa kabuuan, ang partisipasyon ng LGU-Bayambang sa 2nd GEMP Summit ay nagpapakita ng kahalagahan ng lokal na inisyatiba upang maisulong ang pangmatagalang kaunlaran at kalikasan, patunay na sa pagkakaisa at malasakit ng bawat LGU ay maisusulong ang isang mas maunlad at mas ligtas na Bagong Pilipinas.
Source: Balon Bayambang
Panulat ni: TS Carina




