21.1 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Higit Php4 Milyong pondo mula NBLB Program, ipinagkaloob ng PGC sa Amulung at Iguig

Patuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ng honoraria at iba pang pondo sa mga bayan sa ilalim ng No Barangay Left Behind (NBLB) Program sa Amulung at Iguig, Cagayan nito lamang ika-30 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ni Gobernador Edgar “Manong Egay” Aglipay ang distribusyon ng mahigit Php4 milyon para sa mga benepisyaryo ng NBLB.

Batay sa datos ng Oplan Tulong sa Barangay ng PGC, kabilang sa nakatanggap ng honoraria ang 425 Barangay Health Workers (BHW), 78 Barangay Nutrition Scholars (BNS), 74 Day Care Workers, at 661 Barangay Tanod.

Tumanggap din ng tseke ang apat na barangay sa Amulung na kinabibilangan ng Barangay Annafatan, Goran, Nanuccauan at Balauini. Sa bayan ng Iguig, tanging ang Barangay Nattanzan ang nakatanggap matapos makapag-liquidate ng naunang pondo mula sa Kapitolyo ng Cagayan.

Isinagawa ang distribusyon sa pamamagitan ng Provincial Treasury Office, Provincial Health Office, Provincial Social Welfare and Development Office, at Provincial Office for People Empowerment.

Source: CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles