21.1 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Mga kagamitang pandigma ng NPA, narekober sa Mountain Province

Narekober ang mga kagamitang pandigma ng New People’s Army (NPA) sa Mt. Serkan, Mainit, Bontoc, Mountain Province nito lamang hapon ng Setyembre 30, 2025.

Ang malawakang Internal Security Operation ay isinagawa sa ilalim ng “Oplan Panther Echo” ng mga tauhan ng Mountain Province PNP.

Narekober ang iba’t ibang kagamitang pandigma kabilang ang isang assembled M4 Rifle, isang assembled Garand Rifle, 58 pirasong bala ng Rifle, mapa ng Bontoc, Mountain Province, mga visual aids para sa taktika sa labanan at propaganda laban sa pagmimina, iba’t ibang uri ng gamot at medical na kagamitan, at gasolina.

Patuloy ang paghina ng teroristang grupo na nagpapakita ng epektibong paraan ng pamahalaan katuwang ang Mountain Province PNP at AFP upang tuldukan ang insurhensya at terorismo na balakid sa pagkamit ng isang payapa at maunlad na bansa.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles