18.3 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

P212K halaga ng flitches ng Acacia Rain Tree, narekober sa Bataan; 4 indibidwal, nasakote

Nasakote ang apat na lalaki sa isinagawang anti-illegal logging operation ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakarekober sa P212,507.00 halaga ng flitches acacia rain tree sa Brgy. Sta. Isabel, Dinalupihan, Bataan nito lamang Setyembre 25, 2025.

Nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Dinalupihan Municipal Police Station katuwang ang DENR at MENRO Dinalupihan matapos makatanggap ng ulat mula sa Metro Bataan Development Authority (MBDA).

Kinilala ang mga naaresto na sina “alyas” Vic, 31 anyos “alyas” Jeff, 33 anyos, parehong residente ng Brgy. Dampe, Floridablanca, Pampanga; “alyas” Jessie, 29 anyos, at “alyas” Mel, 29 anyos, parehong residente rin ng Brgy. Bataiwan, Subic, Zambales.

Narekober mula sa mga suspek ang isang Stihl chainsaw na walang permit, isang Rusi 125 na kulay asul na tricycle (kolong-kolong), at mga flitches ng Acacia rain tree na may kabuuang sukat na 12.52995 cubic meters / 5,312.68 board feet at tinatayang nagkakahalaga ng P212,507.00.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 (Forestry Code of the Philippines) at Republic Act 9175 (Chainsaw Act of 2002).

Patuloy ang PNP at DENR sa pagbantay sa kalilasan at sinisiguro na mananagot ang mga taong lumalabag batay sa Saligang Batas.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles