Nagsagawa ng libreng Anti-Rabies Vaccine at pagkakapon sa mga alagang hayop ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose City sa Brgy. Sto. Niño 1st, San Jose City, Nueva Ecija, nito lamang ika-26 ng Setyembre, 2025.
Pinangunahan ito ng City Veterinary Office ng San Jose City, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Josel Violago.
Nabigyan ng libreng bakuna ang mga alagang aso at pusa, kasabay ng matagumpay na pagsasagawa ng pagkakapon upang mapabuti ang kalusugan at kaligtasan ng mga alaga at kanilang mga tagapag-alaga.
Layunin ng aktibidad na pigilan ang pagkalat ng rabies at itaguyod ang responsableng pag-aalaga ng hayop.

Bukod dito, makatutulong din ang pagkakapon upang maiwasan ang hindi inaasahang pagdami ng mga aso at pusa sa komunidad.
Tinitiyak ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose, na patuloy ang pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan at pangangalaga para sa mga alagang hayop upang masiguro ang maayos na kapakanan ng bawat indibidwal sa kanilang nasasakupan.





