17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

DSWD FO CAR, naglunsad ng Mobile Kitchen para sa mga apektado ng bagyo sa Abra

Naglunsad ang Department of Social Welfare and Development–Field Office Cordillera Administrative Region (DSWD FO CAR) ang Mobile Kitchen para sa mga apektado ng Bagyong Nando sa lalawigan ng Abra nito lamang ika-23 ng Setyembre 2025.

Ang aktibidad ay bunga ng koordinasyon ng DSWD FO CAR at ang local na pamahalaan ng Abra at may layuning makapagbigay ng mainit at bagong lutong pagkain para sa mga pamilya at indibidwal na naapektuhan at nawalan ng tirahan dahil sa pananalasa ng bagyo.

Hindi lamang mga food packs ang ipinamahagi sa humigit-kumulang na 200 na katao kundi direktang nutrisyon at agarang pagkain para sa mga pinaka-nangangailangan sa oras ng sakuna.

Ang pagbibigay ng mainit na pagkain ay hindi lamang nagsilbing tugon sa kanilang pangunahing pangangailangan kundi nagdulot din ng ginhawa at pag-asa sa gitna ng krisis na patunay sa dedikasyon ng DSWD FO CAR at ng mga lokal na pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan sa panahon ng sakuna.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles