Natagpuan ng mga Search at Rescue Team ang labi ng isang nauulat na nawawalang indibidwal sa Barangay Lanna, Tabuk City, Kalinga, bandang 4:05 ng hapon noong Setyembre 24, 2025.
Kinilala ang biktima na si Mr. Ol-Oling, residente ng Otucan, Bauko, Mountain Province, sa tulong ng Mountain Province Search and Rescue Team.
Ayon sa salaysay ng anak ng biktima sa Bauko Municipal Police Station, ihinatid nito ang kanyang ama sa Sitio Loccong noong Setyembre 22, upang mag-alaga sa kanyang pastulan.
Gayunpaman, hindi na nakauwi ang ama kinabukasan.
Matapos ang bigong paghahanap sa kanyang ama ay humingi ito ng tulong mula sa pulisya. Bilang agarang tugon, mabilis na nagsagawa ng Search and Rescue Operation ang mga pinagsamang mga tauhan Bauko MPS, Sabangan MPS, Sadanga MPS at ang Provincial Mobile Force Company kasama ang mga koponan mula sa Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, at mga dedikadong boluntaryo ng komunidad.
Positibong kinilala naman ng kanyang mga kaanak ang kanyang labi labi na natagpuan tabing ilog sa Barangay Lanna, Tabuk City, Kalinga bandang 4:00PM at ibinalik sa kanyang pamilya bandang 12:00 ng hatinggabi noong Setyembre 24, 2025.
Pinapaalalahanan nanan ng mga awtoridad ang mga residente na manatiling alerto at mag-ingat laban sa mga epekto ng mga bagyo at mga parating na sakuna.




