Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa 16 na lolo at lola na may edad 95 pataas sa Provincial Capitol, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Lunes, ika-15 ng Setyembre, 2025.
Pinangunahan nina Governor Lilia “Nanay” Pineda at Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, ang pamamahagi ng tulong pinansyal katuwang sina Board Members Fritzie David-Dizon, Dra. Kaye Naguit, Cherry Manalo, Christian Halili, Chief of Staff to the Vice Governor Angelina Blanco, at PSWDO Head Fe Manarang.
Tumanggap ng ₱100,000 ang bawat isa bilang one-time cash incentive, kalakip ang pagkilala sa kanilang makulay at mahabang pamumuhay.



Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang mga pamilya ng mga centenarian, dahil malaking tulong umano ang insentibo upang masuportahan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng gamot, diaper, at iba pang gastusin sa araw-araw.
Patunay lamang ito na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ay tunay na nagbibigay-halaga at pagkalinga sa mga nakatatanda, bilang pagkilala hindi lamang sa kanilang edad, kundi sa kanilang naging ambag sa pamilya at sa lipunan.




