22.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Fernandino Seniors, tumanggap ng buwanang pensi­yon mula sa DSWD

Masayang tinanggap ng mga senior citizens ang kanilang benepisyo sa ilalim ng National Social Pension Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nito lamang Setyembre 16, 2025 sa Heroes Hall ng City of San Fernando, Pampanga.

Nasa 948 na indigent senior citizens mula sa 35 barangays, kabilang ang Northville Calulut, ang nakatanggap ng benepisyo.

Layunin ng programa na magbigay ng P1,000.00 buwanang pensiyon para sa mga kwalipikadong nakatatanda bilang karagdagang tulong pinansyal upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan.

Ang naturang inisyatiba ay nagsisilbing konkretong hakbang ng pamahalaan upang maipadama sa mga nakatatanda ang malasakit at pagkalinga sa kanilang kalusugan, kapakanan, at dignidad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles