18.3 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Learning Materials mula sa kababayang nasa Malaysia, ipinagkaloob ng LGU Mangaldan sa 11 Child Development Centers

Labing-isang Child Development Centers (CDCs) sa bayan ng Mangaldan ang masayang tumanggap ng iba’t ibang learning materials na ipinagkaloob nina Mayor Bona Fe De Vera Parayno at MSWD Officer Rowena De Guzman nitong Lunes, Setyembre 15, 2025, sa Conference Room ng Presidencia de Mangaldan.

Ang mga nasabing educational materials ay donasyon mula kay Mrs. Sarah Itliong Yap, isang tubong Barangay Embarcadero na kasalukuyang naninirahan sa Malaysia.

Kabilang sa mga nakatanggap ng learning materials ang mga CDCs mula sa Barangay Macayug, Embarcadero, Navaluan, Osiem, Inlambo, Bateng East, Bateng West, Lanas, Tebag, Guiguilonen, at Salaan. Malaking tulong ang mga ito upang higit pang mapabuti ang kalidad ng pagkatuto ng mga batang mag-aaral.

Buong puso namang ipinaabot ng lokal na pamahalaan at ng mga benepisyaryong CDCs ang kanilang pasasalamat kay Mrs. Yap at sa kanyang pamilya sa kanilang bukas-palad na pagbibigay bilang tanda ng pagmamahal sa sariling bayan.

Source: PIO Magaldan LGU

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles