22.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

PGC, namahagi ng knapsack pprayers sa halos 15 tobacco growers sa Tuao

Nakatanggap ng tig-isang Knapsack Electric Sprayer ang 148 tobacco growers mula sa bayan ng Tuao, Cagayan mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan (PGC) sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) na ginanap sa People Empowerment Summit 2025 sa Leonardo Mamba Memorial Gymnasium nito lamang ika-15 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan nina Gobernador Edgar “Manong Egay” Aglipay at Bise Gobernador Manuel N. Mamba ang nasabing distribusyon.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gob. Aglipay ang patuloy na pagbibigay ng suporta para sa kapakanan at pag-unlad ng mga Cagayano, partikular na ang sektor ng agrikultura.

Hinikayat naman ni Bise Gob. Mamba ang lahat na pahalagahan ang anumang tulong mula sa pamahalaan at pairalin ang pagkakaisa para sa ikabubuti ng nakararami.

Ayon kay Engr. Arsenio Antonio, Acting Provincial Agriculturist, ang mga benepisyaryo ng nasabing sprayer ay mga nagtanim ng tabako na nakapagbayad ng tobacco excise tax para sa taong 2020 at 2021.

Dumalo rin sa aktibidad sina Provincial Administrator Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor, Board Members Japo De Asis (3rd District) at Romeo Garcia (1st District), Dr. Pearlita Mabasa, Agriculture Cluster Head, Tuao Mayor William Mamba, mga department head ng PGC, opisyal at kawani ng LGU-Tuao, barangay officials, stakeholders, ilang kinatawan ng Irrigators Association at Business Market Association, mga presidente ng Purok Agkaykaysa sa Tuao, at ang Provincial Office of People Empowerment.

Source: CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles