17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

146 PWDs na Kabalen, nakatanggap ng AICS mula sa DSWD sa Pampanga

Nakatanggap mula sa pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region III katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga para sa mga Persons with Disabilities (PWDs) nito lamang Huwebes, ika-4 ng Setyembre 2025.

Umabot sa 146 benepisyaryo mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ang tumanggap ng tig-₱2,000 na tulong pinansyal o katumbas ng mahigit ₱292,000 kabuuang halaga.

Pinangunahan nina Board Members Fritzie Dizon at Atty. Claire Lim ang pamamahagi ng ayuda, sa ngalan nina Governor Lilia “Nanay” Pineda at Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, katuwang si Provincial Social Welfare Officer Fe Manarang.

Layon ng programang ito na makatulong sa pagbili ng gamot at sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilya ng mga PWDs, bilang bahagi ng regular na lingguhang AICS payout na isinasagawa sa Kapitolyo ng Pampanga.

Patuloy ang DSWD sa pagbibigay ng suporta at malasakit sa mga kapwa kabalen, lalo na sa mga pinaka-nangangailangan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles