17.7 C
Baguio City
Thursday, May 14, 2026
spot_img

Corn Silage Making Training, isinagawa sa 27 magsasaka ng Baggao

Sumailalim sa Corn Silage Making Training ang 27 magsasaka mula sa Baggao, Cagayan sa Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Brgy. Anquiray nito lamang ika-4 ng Setyembre 2025.

Ayon kay Engr. Arsenio Antonio, Acting Provincial Agriculturist, ang mga kalahok ay mula sa mga barangay ng Nangalinan, Barsat West, at Catugay sa Baggao.

Sa pagsasanay, itinuro ang paggawa ng alternatibong pakain para sa mga alagang hayop gamit ang mais at damo. Binigyan din ng aktuwal na pagsasanay sa tamang proseso ng pag-ani, chopping, packing, sealing techniques, at fermentation upang makagawa ng dekalidad at masustansiyang silage.

Mahalaga ang silage making bilang tugon sa kakulangan ng pakain tuwing tagtuyot. Sa pamamagitan nito, nakatitipid ang mga magsasaka habang natitiyak ang sapat at masustansiyang pagkain para sa kalabaw, baka, kambing, at tupa.

Ang pagsasanay ay bahagi ng regular na programa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga magsasaka sa makabago at alternatibong pamamaraan ng pagsasaka, at ihanda sila sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles