17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Higit 600 Residente ng Barangay Baracca at Lomboy, Villasis, nabigyan ng Libreng Serbisyong Pangkabuhayan at Pangkalusugan

Mahigit 600 residente mula sa Barangay Baracca at Lomboy ang nakinabang sa libreng serbisyong pangkalusugan at pangkomunidad na hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa ilalim ng programang “Ipagpatuloy ang Galing ng Pangasinan” noong September 4, 2025.

Layunin ng inisyatibong ito na mailapit ang pangunahing serbisyo sa mga mamamayan, lalo na sa mga malalayong barangay. Sa nasabing aktibidad, nakatanggap ang mga residente ng libreng medical check-up at konsultasyon, ECG, X-ray, blood sugar test, at tooth extraction. Namahagi rin ng gamot at bitamina, serbisyong beterinaryo, punla at asin, libreng gupit at masahe, arts and crafts session, at iba’t ibang tulong mula sa social services.

Ayon kay Governor Ramon V. Guico III, pangunahing prayoridad ng pamahalaang panlalawigan ang kalusugan at kagalingan ng bawat Pangasinense. Aniya, ang mga programang tulad nito ay patunay ng tunay na malasakit ng pamahalaan sa kanilang mga nasasakupan.

“Muling napatunayan na ang Pamahalaang Panlalawigan ay kaagapay ng bawat Pangasinense tungo sa mas magaling at mas malusog na komunidad,” pahayag ni Gov. Guico.

Lubos ang pasasalamat ng mga residente ng Baracca at Lomboy sa natanggap na serbisyo na nakatulong hindi lamang sa kanilang kalusugan kundi maging sa kanilang kabuhayan.

Sa pamamagitan ng programang “Ipagpatuloy ang Galing ng Pangasinan,” pinapatunayan ng pamahalaang panlalawigan na katuwang sila ng bawat mamamayan sa pagbuo ng mas malusog at mas maunlad na komunidad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles