17.7 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Matagumpay na Ani ng Tilapia, naitala ng Namuccayan Farmers’ Association sa Sto. Niño, Cagayan

Naitala ng Namuccayan Farmers’ Association sa Bayan ng Sto. Niño, Cagayan ang isa na namang matagumpay na ani ng tilapia na dinaluhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 02, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), noong ika-3 ng Setyembre, 2025.

Pinangunahan ng asosasyon sa tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang harvesting activity, kung saan nakapag-ani at nakapagbenta sila ng kabuuang 174.8 kilo ng tilapia na nag-generate ng kita na Php27,982. Ang halagang ito ay agad na idinagdag sa kanilang rolling fund upang mapalakas pa ang operasyon at matiyak ang pangmatagalang pagpapatuloy ng kanilang proyektong pangkabuhayan.

Kabilang sa mga dumalo sina Provincial Fishery Officers Jennifer Tattao at Clifford Paraggua na nagpahayag ng papuri sa dedikasyon ng asosasyon, lalo na sa masigasig na pangangalaga at pagmementina ng kanilang palaisdaan.

Bilang tugon, nangako ang BFAR na patuloy na susuporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng panibagong fingerlings para sa restocking ng tilapia sa LAWA ng asosasyon at pagsasagawa ng iba’t ibang capacity-building activities gaya ng pagsasanay sa Tilapia Grow-out Technology upang higit pang mapalakas ang kasanayan ng mga miyembro sa larangan ng aquaculture.

DSWD Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles