Iginawad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang tulong pangkabuhayan sa unang sampung benepisyaryong Person with Disability (PWD) sa ilalim ng Livelihood Assistance Grant (LAG) na ginanap sa sa Governor’s Conference Room, Tuguegarao City, noong ika-2 ng Setyembre 2025.
Pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang pamamahagi ng tig-Php10,000 na tseke sa mga benepisyaryo upang magsimula ng kanilang mga napaghandaan at napiling kabuhayan o negosyo.
Ang mga negosyong pag-uukulan ng tulong ay kinabibilangan ng 3D printing, rice retailing, baked products, furniture shop, vegetable/food/meat vending, hog fattening, at paggawa ng souvenir items.
Layunin ng Provincial Government ng Cagayan na mapabuti ang kabuhayan ng bawat Cagayano sa pamamagitan ng pag nenegosyo.
Source: Cagayan Provincial Information Office




