Naghatid ng libreng Mobile Gamutan ang Lokal na Pamahalaan ng San Ildefonso para sa mga residente ng Barangay Anyatam, San Ildefonso, Bulacan nito lamang Lunes, ika- 1 ng Setyembre 2025.
Pinangunahan ang aktibidad ni Hon. Gazo Galvez, Mayor ng San Ildefonso, kasama ang Municipal Health Office na pinamumunuan ni Dr. Reginell Nunez, at ang Pambayang Tanggapan ng Nutrisyon sa pamumuno ni Ms. Ma. Eunice Vanguardia.
Ilan sa mga serbisyong ipinagkaloob ay libreng medical check-up, laboratory examinations, dental check-up, at eyeglasses para sa mga senior citizens.
Kasama rin dito ang sanitary inspection, health promotion activity, bedridden check-up, feeding program, at pamamahagi ng vitamins para sa mga bata at buntis.


Layunin ng programang ito na mailapit ang serbisyong medikal sa mga mamamayan, lalo na sa mga malalayong barangay na hirap makapunta sa ospital o health center.
Nais din nitong palakasin ang kamalayan ng bawat pamilya sa kahalagahan ng tamang nutrisyon at wastong kalinisan upang makaiwas sa sakit.
Hinihikayat din ang buong komunidad na makiisa at makipagtulungan upang higit pang maging matagumpay ang mga programang pangkalusugan ng bayan.




