17.7 C
Baguio City
Wednesday, May 13, 2026
spot_img

Vigan City, patuloy na nagpapatupad ng SIBOL Project para sa kalusugan ng mga kabataan

Ipinagpapatuloy ng Pamahalaang Lungsod ng Vigan ang Safeguarding and Influencing Our Bigueño Youth Towards Optimum Level of Health (SIBOL) Project bilang bahagi ng selebrasyon ng Adolescent Immunization Month, na nakatuon sa pangangalaga ng kalusugan ng mga kabataan.

Noong Agosto 29, isinagawa ang ikalawang yugto ng programa sa Vigan City Convention Center sa pangunguna ng City Health Office, katuwang ang Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH).

Bilang bahagi ng aktibidad, namahagi ng menstrual kits sa mga babaeng estudyante. Target ng pamahalaan na makapagbigay ng kit sa humigit-kumulang 800 kabataang unang dumanas ng buwanang dalaw ngayong taon.
Nagkaloob din ng serbisyo sa kalusugan ng ngipin at laboratory testing para sa mga kabataan.

Simula Setyembre 5, magsisimula na rin ang lungsod sa pamamahagi ng human papillomavirus (HPV) vaccines para sa lahat ng babaeng estudyante sa Grade 4, at Measles, Rubella, Tetanus, at Diphtheria vaccines naman para sa mga estudyanteng nasa Grade 1 at Grade 7 sa mga pampublikong paaralan.
Isasagawa ang pagbabakuna sa pamamagitan ng batch system upang masiguro ang maayos, epektibo, at komprehensibong saklaw ng programa.

Source: PIA Ilocos Sur

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles