17.7 C
Baguio City
Thursday, July 2, 2026
spot_img

Limang Cagayano, kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan

Buong pagmamalaking kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang limang Cagayano sa kanilang mga katagumpayan nitong Martes, ika-26 ng Agosto taong kasalukuyan.

Binigyang parangal sina Joshua Robert Pastores Cobler na nagtapos ng Law Degree bilang Magna Cum Laude sa Oxford University, United Kingdom; Winter Scarlet Dayag Conag na nakapag-uwi ng mga medalya sa Individual Poomsae at Speedkick sa 8th Heroes International Taekwondo Championship sa Pattaya, Thailand; Richman Cabaddu Conag na nakakuha ng pilak na medalya sa Team 3 Poomsae; Maia Jeffre Jion Cabulisan na nakasungkit ng tansong medalya sa Poomsae Category; at Aaron Robert Binarao na nagwagi ng gintong medalya sa Sparring Category sa parehong paligsahan.

Nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Cobler sa mga miyembro ng Sanguniang Panlalawigan at sa kanyang lola na umano’y nagsilbing inspirasyon at gabay sa kanyang pag-aaral.

Layunin ng aktibidad na bigyang pagkilala ang mga tagumpay ng mga Cagayano sa iba’t ibang larangan, at gawing mga huwarang mga ehemplo sa mga kabataan na nag-aaral.

Source: Cagayan Public Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles