Bilang bahagi ng pagpapatuloy ng mga serbisyong pangkalusugan sa ikalawang termino ni Mayor Gazo Galvez, muling isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng San Ildefonso, Bulacan ang Libreng Mobile Gamutan para sa mga residente ng clustered barangays Calasag at Calawitan nito lamang Agosto 22, 2025.
Pinangunahan ito ng Office of the Municipal Health Officer (MHO) sa pamumuno ni Dr. Reginell Nuñez at ng Office of the Municipal Nutrition Action Officer (MNAO) na pinamumunuan ni Ma’am Ma. Eunice Vanguardia.
Dumalo si Mayor Gazo Galvez at muling tiniyak ang kanyang malasakit at dedikasyon na mailapit sa bawat pamilyang Fernandino ang serbisyong medikal at nutrisyon.

Kabilang sa mga isinagawang serbisyo ang libreng medical check-up, chest X-ray, laboratory examinations, dental check-up, sanitary inspection sa barangay, health promotion activity, bedridden check-up, feeding program, at pamamahagi ng vitamins para sa mga bata at buntis.
Namigay rin ng libreng reading glasses para sa mga nangangailangan.
Layunin ng naturang programa na mapabuti ang kalusugan ng bawat mamamayan at matiyak na walang naiiwan sa serbisyong panlipunan.




