Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, nagpatuloy ang Land Transportation Office (LTO) Region 1 sa distribusyon ng mga plaka sa iba’t ibang lugar ng Ilocos Region noong Agosto 25, 2025 sa pamamagitan ng Plate Caravan — isang mobile service na nagdala ng serbisyo direkta sa mga bayan at lungsod.
Ang Plate Caravan ang nagsilbing pangunahing hakbang ng LTO upang mapabilis ang pamamahagi ng pisikal na plaka, mabawasan ang siksikan sa mga District Offices, at maabot ang mga motorista sa malalayong lugar na madalas nahuhuli sa proseso ng pagkuha ng plaka.
Pinangunahan nina Regional Director Glorioso Daniel Z. Martinez at Assistant Regional Director Engr. Eric C. Suriben ang operasyon, kaagapay ang mga lokal na pamahalaan. Kasabay nito, nanatiling bukas ang lahat ng LTO District Offices sa rehiyon upang mas mapalawak ang serbisyo.

Ipinakita ng aktibidad ang dedikasyon ng LTO Region 1 sa mabilis, tapat, at makabagong serbisyo. Sa tulong ng digitalization, pinahusay na logistics, at pakikipagtulungan sa mga LGU, mas pinabilis ang paglilinis ng backlog sa plaka.
Hinimok ng LTO ang mga motorista na may nakabinbing plaka na makipag-ugnayan sa kanilang District Office o subaybayan ang mga opisyal na anunsyo para sa susunod na iskedyul ng Plate Caravan.
Source: LTO Region 1




