Matagumpay na naisakatuparan ang pamamahagi ng mga relief goods bilang inisyatibo ng Pamahalaang Bayan ng Morong para sa mga residente ng Barangay Mabayo nito lamang Miyerkules ika-18 ng Agosto 2025.
Patunay ng matatag na pagkakaisa at taos-pusong malasakit sa pangunguna ni Mayor Leila G. Linao-Muñoz, katuwang ang mga kapulisan na nagbigay ng katiyakan sa kaligtasan at kaayusan ng buong operasyon.
Patuloy ang maayos na koordinasyon at sama-samang pagsisikap ng pamahalaang bayan ng Morong, upang maiparating ang tulong sa mga residente nang may malasakit at pagpapahalaga.




