17.7 C
Baguio City
Thursday, July 2, 2026
spot_img

126 pabahay para sa mga nasalanta ng lindol at nakatira sa Danger Zone, naipamahagi sa Tayum, Abra

Malaking ginhawa ang hatid sa mga pamilyang Abreño na nawalan ng tirahan matapos ang magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Abra noong Hulyo 2022, gayundin sa mga naninirahan sa mga lugar na itinuturing na danger zone, matapos ang pormal na pag-turnover ng 126 yunit ng pabahay noong Agosto 19, 2025 sa Barangay Basbasa, Tayum, Abra.

Layunin ng proyektong ito na magbigay ng ligtas, maayos, at matibay na tirahan para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng kalamidad at mapangalagaan laban sa mga panganib ng paninirahan sa mga lugar na hindi ligtas.

Pinangunahan nina Shiela Ching, Vice President for Business Planning and Development ng SM Development Corporation; Assistant Secretary Angelito Aguila ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD); DHSUD-Cordillera Director Marvin Feraren; at iba pang katuwang na ahensya at pribadong korporasyon ang pagpapasinaya at pormal na turn-over ng Indigo Housing Subdivision.

Dumalo rin sa seremonya sina mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Tayum, kabilang sina Vice Governor Anne Bersamin at Mayor Placido Eduarte Jr.

Ang naturang proyekto ay bunga ng malakas na pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor upang maisakatuparan ang pangarap na tirahang ligtas at disenteng maituturing na tahanan para sa mga pamilyang nangangailangan.

Higit pa sa pagpapatayo ng bahay, ang proyektong ito ay simbolo ng pagkakaisa at malasakit para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Abra, isang patunay na sa harap ng anumang kalamidad, ang bayanihan at kooperasyon ang susi sa muling pagbangon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles