17.2 C
Baguio City
Thursday, July 2, 2026
spot_img

Dalawang indibidwal, sugatan matapos mahulog ang sinasakyang Van sa bangin sa Kalinga

Sugatan ang dalawang indibidwal matapos mahulog ang sinasakyang van sa bangin sa kahabaan ng Tabuk–Bontoc–Enrile National Road, partikular sa Mosimos section ng Barangay Dupag, Tabuk City, Kalinga nito lamang ika-18 ng Agosto 2025.

Batay sa ulat ng Lubuagan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Lubuagan Municipal Police Station, at Bureau of Fire Protection, bumagsak ang van na may plakang CTS-954 sa isang bangin na tinatayang may lalim na higit 100 metro, direkta sa Pasil River.

Agad na rumesponde sa insidente ang mga itoridad upang maisagawa ang agarang pag-rescue at transportasyon ng mga biktima.

Kinilala ang mga sugatang biktima na sina alyas “Jarry”, 44 anyos, tubong Ilocos Sur at siyang nagmamaneho ng sasakyan, at alyas “Ceasar”, 19 anyos, residente ng Pinukpuk, Kalinga.

Agad naisugod sa ospital sa Tabuk City at ngayon ay nasa stable na kalagayan ang mga biktima.

Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na nagmula ang van sa bayan ng Pinukpuk at patungong Ilocos Sur nang mawalan umano ito ng preno habang paakyat sa kalsada.

Dahil dito, umatras ang sasakyan at tuluyang nahulog sa bangin.

Isa sa mga posibleng dahilan ng aksidente ay overloading, dahil may kargang mabibigat na tiles ang van na maaaring hindi nakayanan ng makina sa paakyat na bahagi ng daan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles