17.7 C
Baguio City
Thursday, July 2, 2026
spot_img

21 Aeta, nagtapos sa Libreng Driving School Training sa tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles

Nagtapos ang 21 na benepisyaryo mula sa Aeta community sa libreng driving school training na isinagawa sa tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles, katuwang ang Sabalboro Driving School nito lamang Martes, ika-19 ng Agosto 2025.

Bahagi ito ng corporate social responsibility (CSR) project ng nasabing driving school na layong makatulong sa pagbibigay ng kasanayan at dagdag na oportunidad para sa kabuhayan ng mga katutubo.

Pinangunahan ng Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) Carlos Salvador, kasama ang City Agriculture Office, Angeles City Economic Development and Investment Promotions Office (ACEDIPO), at Angeles City Tourism Office (ACTO) ang implementasyon ng programa.

Nagbigay din ng logistics support ang ACTO upang matiyak ang maayos na pagsasagawa ng pagsasanay.

Sa pamumuno ni Mayor Carmelo “Jon” Lazatin II, isinusulong ng Angeles City ang mga programang nagbibigay ng inklusibong edukasyon at pagsasanay para sa mga katutubo, upang magkaroon ng mas maraming oportunidad sa trabaho at kabuhayan.

Patunay ito ng malasakit ng pamahalaang lungsod na walang maiiwan sa pag-unlad ng siyudad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles