17.2 C
Baguio City
Thursday, July 2, 2026
spot_img

DSWD FO 1 at LGU Aguilar, nagtulungan para sa PUSO MIS Walkthrough

Nagsagawa ngayong araw, Agosto 18, 2025, ng walkthrough ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 – Ilocos Region, sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Division, hinggil sa PUSO Management Information System (MIS) katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Aguilar, Pangasinan.

Layunin ng nasabing aktibidad na mapatatag ang data-driven governance sa pagbibigay ng serbisyong panlipunan para sa mga benepisyaryong kabilang sa 4Ps households. Sa pamamagitan ng PUSO MIS, masisiguro ang integridad ng datos gamit ang madaling akses at real-time na impormasyon na magpapabilis at magpapahusay sa paghahatid ng serbisyo.

Itinuturing itong isang mahalagang hakbang sa digitalization at digitization ng case management sa pagitan ng DSWD at LGU Aguilar. Sa pamamagitan nito, mas mapauunlad ang antas ng pamumuhay at kapakanan ng mga pamilyang benepisyaryo ng 4Ps.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles