17.2 C
Baguio City
Thursday, July 2, 2026
spot_img

166 Dating rebelde, benepisyaryo ng amnestiya ng pamahalaan

Mahigit 166 dating rebelde mula sa iba’t ibang bahagi ng Cagayan ang pormal na nakinabang sa amnestiya ng pamahalaan, matapos maisaayos ang kanilang mga dokumento sa pamamagitan ng Amnesty Board sa isinagawang aktibidad sa Himpilan ng 17th Infantry Battalion, 5th Infantry Division noong ika-17 ng Agosto 17, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Ginoong Alex Bergundo, Punong Kalihim ng National Amnesty Commission, ang pagtutok sa proseso ng dokumentasyon upang mabigyan ng pagkakataon ang mga sumuko na muling makapamuhay nang normal kasama ang kanilang pamilya.

Ayon kay Lt. Col. Ford G. Alsiyao, Commanding Officer ng 17IB, ang programa ay isang malinaw na pruweba ng walang sawang suporta ng pamahalaan para sa mga nagbalik-loob. Aniya, nananatiling tungkulin ng kasundaluhan ang pagbabantay laban sa banta ng terorismo at ang pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan.

Samantala, ang pamahalaan at militar sa pamamagitan ng programang ito ay tuluyan nang mawakasan ang ng insurhensiya sa bansa tungo sa kapayapaan at kaunlaran.

Source: 5th Infantry Batallion

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles