Isinagawa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ng Provincial Government of Cagayan (PGC) ang Tilapia at Hito Production Training sa mga tobacco farmer ng Tuao East, Cagayan sa Mamba Memorial Gymnasium nito lamang ika-14 ng Agosto, 2025.
Naging katuwang naman ng OPA ang Municipal Agriculture Office (MAO) at ilang kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Tuao.
Ayon kay Engr. Arsenio Antonio, Acting Provincial Agriculturist ng PGC, sumailalim sa training ang 30 tobacco farmers na mula sa iba’t ibang barangay sa na bangit na lugar.
Itinuro sa kanila ang tamang pamamaraan ng pagpapalaki ng isda mula sa paghahanda ng palaisdaan, pagpapakain, at tamang pag-aalaga hanggang sa pag-aani.
Layon nito na makapagbigay ng alternatibong trabaho o mapagkakakitaan bukod pa sa pagtatanim ng tabako.
Ang naturang hakbang ng OPA ay alinsunod sa adhikain ni Gob. Edgar “Manong Egay” Aglipay na palakasin ang seguridad sa pagkain sa lalawigan sa pamamagitan ng iba’t ibang pagsasanay na maaaring maging dagdag na trabaho, kita, at pagkain ng mga magsasakang Cagayano.
Source: CPIO




