21.3 C
Baguio City
Tuesday, June 23, 2026
spot_img

DOLE Region 1, maglalaan ng higit Php75 Milyon na tulong sa mga biktima ng kalamidad

Maglalaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 ng mahigit Php75 milyon bilang emergency employment assistance para sa mga indibidwal na naapektuhan ng Habagat at mga bagyong Crising, Dante, at Emong sa mga lalawigan ng La Union at Pangasinan.

Ipatutupad ang tulong sa pamamagitan ng tulong panghanapbuhay sa ating Disadvantaged Workers (TUPAD) program, na layong magbigay ng agarang kabuhayan para sa mga naapektuhan habang tumutulong din sa pagpapanumbalik ng kanilang komunidad at rehabilitasyon ng mga paaralang labis na nasalanta.

Ang pansamantalang trabaho sa ilalim ng TUPAD ay tatagal ng hindi bababa sa sampung (10) araw, na nakatuon sa mga gawaing pangkomunidad tulad ng paglilinis, pag-aayos, at pagpapanumbalik ng mga pampublikong lugar.

Kasama rin dito, sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd), ang rehabilitasyon ng mga paaralan sa mga lugar ng Alaminos City, Anda, Bani, Binmaley, Bolinao, Burgos, Dasol, Mabini, Dagupan City, Calasiao, Mangaldan, Sta. Barbara, at Umingan sa Pangasinan at sa Caba, Bauang, San Juan, San Gabriel, at Bacnotan sa La Union, upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagpasok ng mga mag-aaral.

Bawat benepisyaryo ay tatanggap ng sahod batay sa umiiral na minimum wage sa rehiyon.

Bukod dito, sa ilalim ng Government Internship Program (GIP), 81 kwalipikadong interns mula Pangasinan ang kukunin bilang bahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Patuloy ang DOLE Region 1 sa pagtulong sa mga komunidad na sinalanta ng kalamidad sa pamamagitan ng matatag na pakikipag-ugnayan, mabilis na implementasyon, at programang nagbibigay-pag-asa para sa lahat.

Source: DOLE Region 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles