21.3 C
Baguio City
Tuesday, June 23, 2026
spot_img

300 puno, itinanim ng Cagelco 1 at PNREO

Nakapagtanim ng 300 puno ang Cagelco 1 kasama ng Cagayan Provincial Natural Resources and Environment Office nitong Biyernes, ika-15 ng Agosto 2025 sa Brgy. Dalaoig, Alcala, Cagayan.

Bahagi ang aktibidad sa selebrasyon ng ika-56 anibersaryo ng National Electrification Administration (NEA) at 16th Electrification Awareness Month na ginaganao tuwing buwan ng Agosto.

Aktibo din na nakibahagi sa aktibidad ang mga miyembro ng Lokal na Pamahalaan ng Alcala at mga residente dito kung saan sa kabuuan ay nakapagtanim ang grupo ng 250 forest trees at 50 fruit-bearing trees.

Layunin ng aktibidad na maipakita at maipaintindi sa mga Cagayano ang kahalagahan at magandang dulot ng pagtatanim ng puno hindi lang sa mga kabundukan kundi pati sa gilid ng Ilog Cagayan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles