17.7 C
Baguio City
Tuesday, June 23, 2026
spot_img

KADIWA ng Pangulo, itinampok ang mga Lokal na Produkto sa Bacnotan

Itinampok ang galing ng mga lokal na magsasaka at maliliit na negosyante sa isinagawang Kadiwa ng Pangulo Program sa Bacnotan Farmer’s Park and Civic Center noong ika-15 ng Agosto 2025.

Layunin nitong bigyan ng mas malawak na oportunidad ang mga lokal na prodyuser na maibenta ang kanilang produkto nang direkta sa mga mamimili.

Sa aktibidad, mabibili ang iba’t ibang sariwang gulay at prutas, mga gawang-bahay na produkto, eco-friendly na gamit tulad ng reusable shopping bags, at mga handmade na crocheted items na nilikha ng mga Persons with Disabilities (PWDs). Lahat ng ito ay patunay ng masiglang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang nagtataguyod ng sustainable livelihood at lokal na kabuhayan.

Ang KADIWA, na nangangahulugang “Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita,” ay bahagi ng programang isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mapababa ang presyo ng pangunahing bilihin at mapataas ang kita ng mga magsasaka at small entrepreneurs sa bansa. Isinasagawa ito tuwing ika-15 at ika-30 ng bawat buwan sa iba’t ibang panig ng bansa, sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga lokal na pamahalaan.

Ipinahayag ni Mayor Divine Fontanilla ang kanyang buong suporta sa nasabing programa at isinasaalang-alang na gawing regular ang pagdaraos nito sa Bacnotan Plaza. Layunin nitong mas mapalawak pa ang saklaw ng mga benepisyaryo at mapalakas ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sariling atin.
Bukas ang paanyaya ng lokal na pamahalaan sa mga nais makilahok bilang kalahok o mamimili sa mga susunod na KADIWA fairs. Para sa interesadong lumahok, maaaring makipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office ng Bacnotan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles