21.3 C
Baguio City
Tuesday, June 23, 2026
spot_img

OPA sa Cagayan, Nagsagawa ng Sweet Potato Production Training sa mga Tobacco Grower

Nabigyan ng bagong kaalaman sa pagsasaka ang 30 tobacco growers ng Iguig, Cagayan sa isinagawang Sweet Potato Production training ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ng Provincial Government Office sa lalawigan ng Cagayan noong ika-12 ng Agosto 2025 sa Barangay Sta. Barbara, Iguig, Cagayan.

Ang naturang pagsasanay ay naglalayong mabigyan ng bagong kaalaman ang mga tobacco grower na maaari nilang gawing dagdag hanapbuhay.

Kabilang sa mga itinuro ang mga makabagong paraan at modernong teknolohiya ng pagtatanim ng komote tulad ng site selection, land preparation, variety selection, preparation of planting materials, planting, care and management, at postharvest handling.

Ayon kay Engr. Arsenio Antonio, Acting Provincial Agriculturist ng OPA, ang kamote ay isang alternatibong tanim sa panahon ng tagtuyot at maaaring gawing ‘crop rotation’ sa pagtatanim ng tabako para magkaroon ng mas magandang klase ng lupang tatamnan ng tabako pagkatapos magtanim ng kamote.

Dagdag niya, ito rin ay magsisilbing dagdag kita ng mga tobacco grower lalo’t mataas ang market value ng kamote na ginagamit ng mga malalaking kumpanya sa paggawa ng arina, gaw-gaw, at iba pang mga produkto.

Liban dito, nabigyan ng assorted vegetable seeds ang mga kalahok sa training para itanim din sa kani-kanilang bakuran. Ang pamamahagi nito ay kaugnay naman sa “Gulayan sa Pamilya Program” ni Gobernador Edgar “Manong Egay” Aglipay.

Ang naturang aktibidad ay sinaksihan ni Iguig Municipal Agriculturist James Balubal at iba pang kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Iguig.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles