19.4 C
Baguio City
Tuesday, June 23, 2026
spot_img

Project LAB Ceremonial Turnover at Commitment Setting, isinagawa sa Camalaniugan, Cagayan

Tuluyan nang ipinasakamay sa pangangalaga ng mga partner-beneficiaries ang implementasyon ng Project LAWA at BINHI sa isinagawang Ceremonial Turnover and Commitment Setting noong ika-11 ng Agosto, 2025 sa Brgy. Fusina ng nasabing bayan.

Layunin nito na ipasa sa mga miyembro ng asosasyon ang responsibilidad sa pangangalaga, pagpapanatili, at pagpapalago ng proyekto kung saan ipinaabot ni MENRO Designated Head Edimar Cabaya ang mensahe ng suporta ni Mayor Isidro Cabaddu. Aniya, handa ang tanggapan ng alkalde na maglaan ng pondo para sa Project LAB, at patuloy ding magbibigay ng technical support ang MENRO.

Nagpahayag din ng suporta si Engr. Gian Carlo Reyes mula sa MAO, BFAR representative Zeny Usigan, MSWD Officer Ma. Corazon Ursulum kung kayat naglaan din sila ng pondo para sa proyekto. Hinikayat niya ang mga miyembro na ipagpatuloy ang naumpisahan at panatilihin itong matatag kahit walang kapalit na bayad.

Lubos naman ang pasasalamat ni Romnick Dela Rosa, presidente ng Namnama-Fusina Project LAB Association. Aniya, higit pa sa tanim at tubig ang Project LAWA at BINHI—ito ay hakbang upang palakasin ang kabuhayan, pangalagaan ang kalikasan, at tiyakin ang seguridad sa pagkain. Dagdag pa niya, ang mga naitanim na gulay ay hindi lamang nagbibigay ng pagkain sa kanilang pamilya kundi nagdadala rin ng karagdagang kita na iniipon nila bilang pondo ng asosasyon para sa pagpapatuloy ng proyekto.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Marvin Malabag, presidente ng Teampuyog-Minanga Project LAB Association, ang DSWD dahil bukod sa kabuhayan, nakatanggap din sila ng kaalaman sa pagtatanim. Nangako siyang pananatilihin ang asosasyon at ipagpapatuloy ang kanilang sinimulan dahil sila rin ang makikinabang dito.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles