17.2 C
Baguio City
Thursday, July 2, 2026
spot_img

4Ps Beneficiaries sumailalim sa Financial Literacy at tumanggap ng Livelihood Assistance mula sa DSWD

Nakibahagi sa isinagawang Financial Literacy Training at nabigyan ng Livelihood Assistance ang mga benepisyaryo ng 4Ps sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija nito lamang ika-11 ng Agosto 2025.

Ang pagsasanay ay bahagi ng programa ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office III – Central Luzon. Nasa apat-napu’t apat (44) ang lumahok sa naturang programa.

Kasabay ng nasabing pagsasanay, tumanggap din ang bawat kalahok ng tig-Php 10,000 bilang panimulang kapital para sa kanilang napiling kabuhayan.

Ang tulong na ito ay naglalayong magsilbing puhunan upang makapagsimula ang mga benepisyaryo ng maliit na negosyo na makatutulong sa kanilang pangmatagalang kabuhayan. Katuwang ng SWAD SLP – Nueva Ecija sa pagpapatupad ng aktibidad ang lokal na pamahalaan ng Jaen, na patuloy na sumusuporta sa mga proyektong nagtataguyod ng pag-unlad ng kabuhayan at kasanayan ng kanilang mga mamamayan.

Ayon sa DSWD, ang ganitong mga programa ay hakbang tungo sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga pamilya na magkaroon ng matatag na pinagkakakitaan at umangat mula sa kahirapan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles