17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Mga estudyante ng Tabuli NHS, nagpakita ng kahusayan sa Skills Challenge sa Disaster Risk Reduction Management Bontoc, Mountain Province

Ipinamalas ng mga student-responder mula sa Talubin National High School (NHS) ang kanilang husay sa Bandaging Techniques sa 2025 Simulation Drill and Skills Challenge on Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) sa Eyeb Grounds, Talubin, Bontoc, Mountain Province na ginanap noong Agosto 8, 2025.

Tampok sa kanilang presentasyon ang wastong pamamaraan ng paglalagay ng benda sa sugat at paso, na nagpapatunay ng kanilang teknikal na kakayahan at malasakit sa kaligtasan at katatagan ng komunidad.

Isa ang Bandaging Techniques sa mga pangunahing paligsahan ngayong taon na layong palakasin ang kahandaan at pagtugon sa sakuna sa pamamagitan ng mga inisyatiba ng Pamahalaang Lokal ng Bontoc.

Pinuri ng mga opisyal ang dedikasyon ng kabataang kalahok sa pag-aaral ng mahahalagang kaalaman at kasanayan sa basic life support, first aid, at pagtugon sa mga sakuna at emergency.

Ang aktibidad na ito ay layong sanayin at hikayatin ang kabataan na maging handa sa anumang sakuna, mapalawak ang kanilang kasanayan sa pagtugon sa emergency, at mapatibay ang kooperasyon ng pamahalaan, paaralan, at komunidad sa pagbibigay ng agarang tulong sa oras ng pangangailangan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles