17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Libreng Mobile Gamutan, hatid sa mga residente ng Brgy. Alagao at Umpucan

Patuloy ang paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa ilalim ng ikalawang termino ni Mayor Gazo Galvez, matapos isagawa ang Mobile Gamutan sa mga clustered barangay ng Alagao at Umpucan noong Agosto 11, 2025.

Sa pangunguna ni Mayor Galvez, katuwang ang Office of the Municipal Health Officer na pinamumunuan ni Dr. Reginell Nunez at ang Office of the Municipal Nutrition Action Officer sa pamumuno ni Ma’am Ma. Eunice Vanguardia, inilapit sa mga residente ang iba’t ibang libreng serbisyo gaya ng medical check-up, chest X-ray, laboratory examinations, dental check-up, sanitary inspection, bedridden check-up, health promotion activity, feeding program, at pamamahagi ng vitamins para sa mga bata at buntis.

Bilang karagdagang tulong, namahagi rin ng reading glasses para sa mga may problema sa paningin.

Ang aktibidad ay layong masiguro na ang bawat mamamayan, lalo na sa mga liblib na lugar, ay may access sa de-kalidad at libreng serbisyong medikal.

Ayon kay Mayor Galvez, tuloy-tuloy ang ganitong programa sa iba’t ibang barangay kada linggo.

Hinikayat din niya ang publiko na subaybayan ang opisyal na Facebook page ng bayan para sa iskedyul ng susunod na Mobile Gamutan. “Hangad natin na mapabuti ang kalagayan ng bawat isa. Basta kay Mayor Gazo, mahalaga ka,” mensahe ng alkalde.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles