Patuloy ang isinagawang relief operation ng Pamahalaang lungsod ng Malolos sa para sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo sa iba’t ibang Barangay ng Malolos, Bulacan nito lamang Linggo ika-27 ng Hulyo 2025.
Pinangunahan ito ni Hon. Christian D Natividad, City Mayor katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, Non-Government Organizations (NGOs), at mga volunteers.
Nagsagawa ng house-to-house distribution ang mga kawani ng pamahalaan kung saan personal inihatid sa bawat tahanan ng mga benepisyaryo ang mga relief goods na naglalaman ng bigas, de-lata, kape, at iba pang pangunahing pangangailangan na malaking tulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Layunin nito ang agarang pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhan ng kalamidad at pagbibigay-suporta sa kanilang unti-unting pagbangon mula sa mga epekto ng sakuna.
Patuloy ang pamahalaan ng Bulacan sa pagbibigay ng tulong sa kanilang nasasakupan.







