Patuloy ang walang humpay na serbisyo para sa mga pamilyang nasalanta ng pagbaha sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods sa siyudad ng San Fernando, Pampanga nito lamang ika-28 ng Hulyo, 2025.
Sa pangunguna ni Mayor Vilma Balle-Caluag, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), personal na mamahagi ng mga relief packs sa mga barangay ng Del Pilar, Pandaras, San Nicolas, at San Pedro.
Layunin ng pamahalaang lungsod na maabutan ng tulong ang mga pamilyang labis na naapektuhan ng sunod-sunod na kalamidad.
Maliban sa pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, pagkain, at tubig, namahagi rin sila ng meat products, de lata, at vitamins sa tulong ng mga pribadong donor.
Ang aktibidad na ito ay patunay ng tunay na malasakit, pagkakaisa, at walang sawang paglilingkod ng lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng bawat mamamayan sa gitna ng pagsubok.







