16.1 C
Baguio City
Friday, June 26, 2026
spot_img

PAGCOR at OCD, nagpaabot ng tulong sa La Union matapos ang pananalasa ni Bagyong Emong

Sa gitna ng pagbangon mula sa hagupit ng Bagyong Emong, agad na nag-abot ng tulong ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ang Office of the Civil Defense (OCD) sa mga apektadong komunidad sa La Union noong Hulyo 26, 2025.

Personal na tinanggap ni Governor Mario Eduardo C. Ortega ang mga relief goods mula sa PAGCOR na kinabibilangan ng 1,500 food packs at 1,500 non-food packs, na agad na itinurn-over sa Pamahalaang Panlalawigan ng La Union. Layunin ng hakbang na ito na maipamahagi nang maagap at maayos ang tulong sa mga lugar na labis na nasalanta ng bagyo.

Kasabay nito, ang OCD naman ay nagbigay ng hygiene kits bilang bahagi ng patuloy na suporta ng pambansang pamahalaan sa mga recovery at rehabilitation efforts sa lalawigan.

Tiniyak ng parehong ahensya sa publiko na may paparating pa na karagdagang tulong, habang patuloy ang kanilang mahigpit na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan upang mas mapabilis ang pagbangon ng mga naapektuhang pamilya.

Sa harap ng pagsubok, dama ng mga taga-La Union ang init ng malasakit at suporta—isang patunay na sa gitna ng unos, nariyan ang gobyernong handang umagapay.

Source: Provincial Government of La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles