Personal na ininspeksyon ni Mayor Benjamin Magalong ang rockshed sa Millsite, Camp 4, Kennon Road, Tuba, Benguet noong Hulyo 27, 2025.
Ayon sa alkalde, nasa alanganin ang pundasyon ng bagong tayong estruktura dahil sa soil scouring o pagkakaalis ng lupa sa ilalim nito, matapos masira ang ilang bahagi dulot ng malalakas na pag-ulan mula sa Bagyong “Emong.”
Iminungkahi rin ni Mayor Magalong,s ang pagsasagawa ng third-party audit upang matukoy ang aktwal na kondisyon ng proyekto at imbestigahan kung may pagkukulang sa disenyo o konstruksyon, bukod sa mga salik na dulot ng kalikasan.
Gayunpaman, binigyang-diin nito na nagampanan pa rin ng rockshed ang layunin nitong pigilan ang pagbagsak ng mga bato, habang patuloy ang clearing operations at nananatiling sarado ang Kennon Road hanggang sa matiyak ang kaligtasan ng estruktura.
Panulat ni Zuen







