Nakatanggap ng tulong ang mga residente na apektado ng Bagyong Crising at patuloy na pag-ulan dulot ng habagat sa Sasmuan, Pampanga nito lamang ika-21 ng Hulyo, 2025.
Personal na tumungo sa bayan ng Sasmuan sina Pampanga Governor Lilia “Nanay” Pineda, 2nd District Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo, at Acting Vice Governor at 2nd District Board Member Fritzie David Dizon, upang ipamahagi ang 2,129 family food packs para sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng nagdaang kalamidad.
Kasama sa relief mission si DSWD Region III Director Venus Rebuldela bilang kinatawan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. , na agad na magpaabot ng tulong sa mga nasalanta.
Bukod sa pamamahagi ng ayuda, tiniyak rin ng ahensya ang kahandaan na magbigay ng pinansyal na suporta kung kinakailangan—lahat ng ito ay upang mapabilis ang pagbangon ng mga apektadong pamilya at maibalik ang normal na takbo ng kanilang buhay.
Ang hakbang na ito ay patunay na sa panahon ng sakuna, ang serbisyong may puso ang tunay na nagbubuklod sa gobyerno at mamamayan — ulan man o unos, hindi mapipigil ang tulong na para sa bayan.






