17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 3, 2026
spot_img

Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, nakaalerto na sa Bagyong Crising

Nakahanda na ang rescue assets ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan para sa posibleng epekto ng paparating na bagyong ‘Crising’ nito lamang ika-18 ng Hulyo 2025.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nasa maayos na kondisyon at anumang oras ay maaari nang gamitin ang lahat ng kagamitan para sa emergency response.

Nakatalaga na ang apat na sasakyang pang-search and rescue, isang boom truck, isang man lifter, dalawang Russian truck, dalawang ambulance truck, tatlong ambulance, dalawang commuter van, at isang pick-up.

Bukod pa rito, nakapuwesto na rin ang mga kagamitan ng Task Force Lingkod Cagayan – Quick Response Team (TFLC-QRT) sa pitong istasyon sa buong lalawigan, na may tig-isang rescue vehicle at tig-dalawang gamit na pantubig bawat isa.

Patuloy naman ang koordinasyon ng mga rescue team ng PGC sa mga Municipal at Barangay DRRM Committees Community Emergency Responders (CERES), at Purok Disaster Brigades para sa mabilis at maayos na pagtugon kung kinakailangan.

Batay sa ulat ng PDRRMO, lahat ng kalsada at tulay sa Cagayan ay nadaraanan pa, at nananatiling nasa normal ang lebel ng tubig sa mga ilog.

Gayunman, pinag-iingat ang publiko dahil unti-unti nang nararanasan ang malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng lalawigan dulot ng bagyong Crising.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles