17.2 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Benteng Bigas, Meron Na! Murang Bigas Program, inilunsad sa Baguio City

Pormal na inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang programang “Murang Bigas” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Regional Field Office ng DA Cordillera Administrative Region (CAR), Baguio City nito lamang ika-16 ng Hulyo 2025.

Sa pakikipagtulungan ng Food Terminal Incorporated (FTI) at National Food Authority (NFA), umabot sa 750 sako ng bigas na tig-10 kilo ang ipinagbili sa murang halaga sa mga residente mula sa mga karatig-barangay.

Kabilang sa mga nakinabang ay ang mga miyembro ng vulnerable sector gaya ng mga senior citizen, solo parent, at persons with disabilities (PWDs).

Sa kasalukuyan, mayroon nang 126 KADIWA stores sa iba’t ibang panig ng bansa na nagbebenta ng P20/kilo na bigas.

Target ng DA na umabot sa 1,000 KADIWA outlets ang magbenta ng murang bigas bago matapos ang taong 2028.

Tiniyak ni DA Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, na patuloy na palalawakin ang programa upang mas marami pa ang makinabang, lalo na ang mga higit na nangangailangan.

Bukod sa pagbibigay-ginhawa, layon din ng programa na palakasin ang lokal na produksyon, suportahan ang mga magsasaka, at tiyakin na walang Pilipinong magugutom dahil sa kawalan ng akses sa abot-kayang pagkain.

Panulat ni Mamerta

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles